Home Opinion 10 Tips On How To Move On From a Relationship

    10 Tips On How To Move On From a Relationship

    416

    Moving on may sometimes be the hardest thing to do. Especially kung minahal mo talaga ang tao. Sabi nga nila, True love hurts. This may be the corniest topic ever but aminin natin na mahirap naman talaga mag Move-on. Here are some tips na galing mismo sa sarili kong karanasan at mga payong naibigay ko sa aking mga kaibigan na maari rin naman na kayo ay matulungan.

     

    Tip #1. Iwasang i view ang Facebook/Twitter niya.

    -Wag kang tanga. Please lang naman wag mo nang i View ang Facebook/Twitter accounts niya. Masasaktan ka lang pag nakita mo nang may bago na siya. Minsan din kasi nagpapamiss din sila. Bawal manghinayang ok ! Kung gusto makamove on, gawin ito ng taos sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa. CHOS !

     

    Tip #2. Patayin ang Landi sa katawan. 

    -huwag na huwag kang papadala sa sweet words. kapag pinatulan mo, tignan mo, wasak ka! Patayin ang apoy habang maaga pa!

     

    Tip #3. Huwag maniwala sa puso. Maniwala lamang sa isip. 

    -sa ganitong sitwasyon, hayaan mo munang manaig ang ISIP kaysa sa PUSO. Dahil ang utak, tinuturuan kang maging matapang ngunit ang puso tinuturuan kang sumuko, maawa at magmahal. “Ang Isip at Ang Puso” Bow.

     

    Tip #4. Makinig sa mga sinasabi ng iba pero mas makinig ka muna sa sinasabi ng puso’t isip mo. 

    -huwag ka padadala agad sa mga sinasabi ng iba. Sa mga sinasabi nila tungkol sa inyo. Sarili mo lang ang makakatulong sayo upang tuluyan mo siyang makalimutan.

     

    Tip #5. Aliwin ang sarili. 

    -ituon ang sarili sa ibang bagay para makalimot. Magbasa ng mga libro like, “The Fault in our Stars”. Kung maari lumandi ka sa iba. Yung mag Better sa kanya., Pumunta sa Mang Inasal at umorder ng PM2. Basta aliwin mo ang sarili mo. Be with your KALOG Friends.

     

    Tip #6. Matuto. Magpahinga. Mag-isip. Magmahal muli. 

    -Moving on isn’t about never looking back, it’s about taking a glance at the past and seeing how much you’ve grown since then. Missing him/her? Part lang yun ng process ng pag Mo Move-On.

     

    Tip #7. Huwag magpadala sa awa.-huwag kang maawa sa kanya o sa sarili mo. 

    -Kasi the more na naaawa ka sa kanya, the more na babalik ang pagmamahal mo. Wag ka din magpakalasing, magkakalakas loob ka lang na i text siya.

     

    Tip #8. Never ask yourself “Paano kung..” 

    -Never doubt. Panindigan mo na. Sa una masakit talaga, pero lilipas din yan. Maraming nasasaktan sa salitang “paano kung..” Ex. Paano kung mahal niya talaga ako? Paano kung hindi talaga siya manloloko?

     

    Tip #9. Don’t read his/her text messages. 

    -masasaktan ka lang. maaawa ka lang. manghihinayang ka lang. huwag ka nang magreply. or better magpalit ka ng sim card. Sila pa yung dadaanan ka ng Group Message sa phone. Pati mga sinabe mo o niyang text burahin mo na agad. wag nang basahin !

     

    Tip #10. (BEST) Magpa Ganda/Gwapo ka ! 

    -Being Pretty or Handsome is your Best Revenge. O diba ! Broken ka man atleast maganda/gwapo ka.

     

    Feel free to suggest for our next topic. Just use the #askJimmer or send us a direct message through Facebook or Twitter. Have a great day Eaglets.